dzme1530.ph

DepEd, mga paaralan huwag gawing evacuation centers ngayong tag-ulan

Hiniling ng Department of Education (DepEd) sa mga Local Government Unit (LGU) sa buong bansa na iwasang gawing evacuation centers ang mga paaralan para sa nalalapit na tag-ulan sa bansa dahil maaring magresulta ito sa pagkaantala sa pag-aaral ng mga estudyante.

Sinabi ni DepEd Spokesperson Undersecretary Michael Poa na binanggit na nila ito sa pinakahuling pulong kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Aniya, may mga pagkakataon kasi na tumatagal ang pananatili ng mga evacuee sa mga paaralan kaya nagagambala ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Batay sa revised DepEd Order 37 na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na maaring gamitin ang mga eskwelahan bilang immediate evacuation site sa panahon ng kalamidad subalit hindi dapat ito lumagpas ng labinlimang araw.

About The Author