18 katao ang sugatan matapos mag-crash ang isang eroplano sa Toronto Pearson International Airport sa Canada.
Ayon sa Canadian Authorities, pabaliktad na bumagsak sa runway ang Delta Air Lines Flight na may 80 pasahero mula sa Minneapolis sa Amerika.
Sa paglalarawan ng isang pasahero, nagmistula silang nakabiting mga paniki sa loob ng eroplano matapos itong bumagsak.
Tiniyak naman ng Airport Chief Executive officer na walang nasawi sa naturang insidente, bagaman isasara muna ang dalawang runways sa mga susunod na araw para sa imbestigasyon.