dzme1530.ph

Dating Pangulong Duterte, kinondena ang assassination attempt laban kay dating US Pres. Donald Trump

Kinondena ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang assassination attempt laban kay dating US President Donald Trump sa isang campaign rally sa Butler, Pennsylvania.

Sinabi ni Duterte na isa itong wake-up call, na wala kahit na sino, kahit pa dating presidente at nangungunang presidential candidate, ang ligtas kahit sa pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo.

Idinagdag ng dating Pangulo na ang bigong assassination ay nangyari sa crucial time, kung kailan halos apat na buwan na lamang bago ang U.S Presidential Election.

Umaasa si Duterte na anuman ang maging resulta ng halalan sa Amerika ay makabubuti para sa Pilipinas at mga Pilipino.

Hangad din niya ang mabilis na paggaling ng sugat at Trauma ni Trump na dulot ng assassination attempt.

About The Author