Ikinalugod ni dating DILG Sec. at Alyansa senatorial bet Benhur Abalos ang conviction sa tinagurian niyang demon child sex trafficker na nanghalay sa may 111 na bata.
Isa si Abalos sa nagsikap na maaresto sa United Arab Emirates si Teddy Jay Mojeca noong nakaraang taon.
Umaming guilty si Mojeca sa kasong child trafficking sa Branch 88 ng Nueva Ecija Regional Trial Court.
Sinabi ni Abalos na dapat magsilbi itong babala sa mga indibidwal o grupo na gumagamit ng mga bata para sa sexual exploitation.
Batay sa datos, 2023 nang madiskubre ang ginagawang pagbebenta ni Mojeca ng mga child exploitation materials sa UAE pero nahirapan ang mga awtoridad na maaresto siya dahil nasa ibang bansa.
Nakipag-ugnayan agad si Abalos sa UAE upang mapabalik sa bansa ang suspek at mapapanagot sa mga kasong child trafficking, statutory rape at paglabag sa RA 11930 o Anti-Online Sexual Exploitation.