dzme1530.ph

Cong. Teves, hindi puwedeng basta patalsikin —Atty. Topacio

Hindi puwede na basta na lamang patalsikin bilang miyembro ng kamara si Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr.

Ito ang tugon ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, sa mga panawagan at pagtatangka na patalsikin si Teves partikular kay Pamplona Mayor Janice Degamo na biyuda ng pinaslang na si Gov. Degamo.

Una sa lahat, ani Topacio, hindi pa naman napapatunayang guilty ang kaniyang kliyente at suspect pa lamang ito tulad ng mga akusasyon.

Sabi pa ni Topacio, tila tinatabla na ng kanyang mga kasamahan si Teves dahil sa kabilang ng pagnanais ni Teves na dumalo via zoom sa pagdinig ng House Committee on Ethics ay hindi ito napagbibigyan.

Hindi rin pinayagan na makapag-privelege speech si Teves sa plenaryo via zoom para magpaliwanag.

About The Author