dzme1530.ph

Comelec, sinampahan ng disqualification petition ang gobernador ng Misamis Oriental dahil sa joke nito sa mga Nurse

Loading

Naghain ng disqualification petition ang Comelec laban kay Incumbent Misamis Oriental Governor at Re-Electionist Peter Unabia bunsod ng joke nito sa mga Nurse sa campaign rally noong April 3.

 

Isinampa ng Task Force Safe ng poll body ang kanilang motu propio petition laban kay Unabia sa Office of Clerk of the Commission.

 

Nag-ugat ang naturang petisyon mula sa joke ng gobernador tungkol sa Nursing Scholarship.

 

Sa kanyang campaign rally, sinabi ni Unabia na magagandang babae lamang ang qualified sa Nursing Scholarship dahil lalala lamang ang sakit ng mga lalaking pasyente kung panget na Nurse ang mag-aalaga sa kanila.

 

Naniniwala ang komisyon na nilabag ni Unabia ang mga probisyon sa Anti-discrimination and fair campaign guidelines sa ilalim ng kanilang Resolution No. 11116.

About The Author