dzme1530.ph

Chop-chop victim na itinapon sa CALAX, natukoy na ang pagkakakilanlan

Tukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng chop-chop victim na natagpuan sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX) sa Silang, Cavite.

Lunes nang matagpuan ang putol-putol na bahagi ng katawan ng lalaki sa loob ng isang garbage bag na itinapon sa expressway sa Barangay Kaong.

Ang pamilya ng biktima na dalawang linggo ng naghahanap, ay nakilala ang bangkay sa pamamagitan ng yin-yang na tattoo sa kanyang dibdib.

Ayon sa pulisya, batay sa impormasyon mula sa pamilya, ang biktima ay bente tres anyos mula sa Quezon City, at umano’y sangkot sa illegal drug case.

About The Author