dzme1530.ph

₱13. 8M halaga ng shabu, nasabat ng BOC at PDEA

13.8 milyong piso na halaga ng shabu na itinago sa loob ng Sports Water Bottles ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau Of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (FDEA).

Sa inilabas na pahayag ng BOC, ang mga nasabat na droga sa isang shipment ay idineklarang naglalaman ng microserver double stainless ceramic na dumating sa bansa noong enero a dos mula sa Bangkok, Thailand.

Ayon naman sa PDEA, nasabat ang shipment sa package shipping at distribution facility sa Pasay City.

Nang isalang sa physical examination, nadiskubre na apat na 3-liter stainless sports water bottles na nagtataglay ng white crystalline substances na nakabalot sa plastic at aluminum foil.

Arestado naman ang dalawang suspects na kinilalang sina Annalyn Real, 50 years old, at Nyka Angel Real, 23 years old, kapwa residente ng Mandaluyong City.

About The Author