dzme1530.ph

BOC, ₱24.28 bilyong smuggled goods nasabat

₱24.28 bilyong halaga ng Smuggled Goods ang nakumpiska ng Bureau of Custom (BOC) sa mula sa 709 seizures na kanilang ikinasa simula nang mag-umpisa ang 2023.

Ayon kay BOC Spokesperson Arnaldo Dela Torre Jr., sa naturang halaga, ₱12 bilyon ang ilegal na droga, ₱7.69 bilyon ay counterfeit goods, at ₱1.87 bilyon ay agricultural products.

Idinagdag ni Dela Torre na karamihan sa mga kinumpiskang agricultural products ay mula sa China.

Sinabi ng BOC Official na mula 709 seizures, 137 ay agricultural products na karamihan ay idineklara bilang Frozen Food, gaya ng Fishballs, subalit nang inspeksyunin ay sibuyas ang laman ng mga kargamento.

About The Author