dzme1530.ph

BI, kinumpirmang wala na sa bansa ang asawa ni Atty. Harry Roque na si Mylah Roque

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na nakalabas na ng bansa ang maybahay ni former Presidential Spokesman Harry Roque, na si Mylah Roque.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni BI Spokesperson Dana Sandoval na wala na sa bansa si Ginang Roque mula pa noong Sept. 3.

Ito ay bago pa man mailabas ang kanyang Lookout Bulletin Order noong Sept. 16.

Mababatid na ipinaa-aresto ng Kamara si Ginang Roque dahil sa hindi pagsipot sa pagdinig kaugnay ng isyu sa POGO, habang una nang sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na nasa Singapore na ito.

Samantala, ibinahagi naman ng BI na walang anumang record ng pag-alis sa bansa si Atty. Harry Roque, at nailabas na ang kanyang lookout bulletin order noon pang August 6. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author