dzme1530.ph

BANK AT TAX RECORDS NI VP SARA, HINDI PA MAIBABAHAGI SA PROSECUTION AT DEFENSE PANELS

Loading

NILINAW ni Impeachment Clerk of Court at Senate Secretary Atty. Renato Bantug na hindi nila agad maibabahagi sa House Prosecution Panel at maging sa Defense Team ang tinanggap nilang bank at tax records ni Vice President Sara Duterte.
 
Sinabi ni Bantug na isasailalim pa nila sa imbentaryo ang mga dokumento kung tumutugon sa subpoena na ipinalabas ng Impeachment Court.
 
Susuriin aniya niya ang mga dokumento batay sa listahan na ibinigay ng Bureau of Internal Revenue, Anti-Money Laundering Council, at anim na mga bangko.
 
Binigyang-diin ng clerk of court na in camera review o private review ang gagawin nilang pagsusuri batay na rin sa ruling ni Presiding Officer Chiz Escudero.
 
Bukod dito, sinabi ni Bantug na hihintayin din nila ang karagdagang mga dokumentong ipapasa ng ilang mga bangko na nag-request ng dagdag na araw upang isumite ang ilan pang mga papeles.

About The Author