dzme1530.ph

Bangkay ng pitong taong gulang na babae, isinako sa General Santos City

Isang pitong taong gulang na batang babae na tatlong araw nang nawawala ang natagpuang patay sa loob ng sako, sa General Santos City.

Naghihinala ang mga otoridad na ginahasa ang paslit bago pinatay ng pitumpu’t apat na taong gulang na suspek.

Ayon sa GenSan police, sinakal sa pamamagitan ng t-shirt ang biktima na walang saplot nang makita sa loob ng sako.

Batay sa salaysay ng mga saksi, nakita nila ang bata na naglalakad papasok sa compound ng suspek bago ito nawala.

Narekober ng mga pulis sa likod-bahay ng suspek ang dalawang kutsilyo at dalawang t-shirts na may mga bahid ng dugo.

About The Author