dzme1530.ph

ASEAN SUMMIT, PANAHON PARA TUGUNAN ANG MGA KASALUKUYANG PAGSUBOK SA REHIYON, AYON KAY PANGULONG MARCOS JR.

Loading

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits ay panahon para sa member states na tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng rehiyon, sa opisyal na pagsisimula ng tatlong araw na international conference, kahapon.
 
Kabilang sa mga hamon na ito ay ang transnational crimes na kinapapalooban ng trafficking, cybercrime, at online scams.
 
Kailangan ding palakasin ang maritime cooperation.
 
Sa kanyang opening speech, sinabi ni Pangulong Marcos na sa mga susunod na araw, kasama ang external partners, ang kanilang mga desisyon ang siyang huhubog kung paano haharapin ng ASEAN ang mga pagsubok, sasamantalahin ang mga oportunidad, at ihahanda ang rehiyon para sa mga susunod na henerasyon.
 
Sa opening ceremony, ipinakita sa publiko ang bagong ASEAN emblem, kasabay ng pagsali ng Timor-Leste sa regional bloc.
 
Pinangunahan din nina Marcos at ASEAN Secretary-General Dr. Kao Kim Hourn ang updated presentation ng updated flag at certificate.

About The Author