![]()
Pinapayuhan ng mga eksperto ang publiko na iwasang magdala ng cellphone sa banyo dahil maaari itong makontamina ng mga bakterya at iba pang mikrobyo.
Ayon sa mga pag-aaral, maaaring dumapo sa cellphone ang mga microorganisms mula sa palikuran, lalo na kung hindi naghuhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng CR.
Kapag ginamit muli ang kontaminadong cellphone habang kumakain o hinihipo ang mukha, maaaring tumaas ang panganib ng pagkakaroon ng mga impeksyon sa tiyan at iba pang uri ng sakit.
Ipinapayo rin ng mga eksperto na regular na linisin at i-disinfect ang cellphone gamit ang angkop na panlinis at laging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig pagkatapos gumamit ng banyo.
Paalala ng mga eksperto, ang pag-iwas sa paggamit ng cellphone sa CR ay isang simpleng hakbang upang makatulong sa pagpapanatili ng malinis na kalusugan at pag-iwas sa pagkalat ng mga mikrobyo.
