Aalis ngayong araw ang grupo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) patungong Albay para tulungan ang mga residenteng apektado ng nag-aalburutong bulkang Mayon.
Ang 20-man team ng MMDA ay ide-deploy sa anim na lugar sa probinsya alinsunod sa direktiba ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes.
Ayon kay Artes, target ng grupo mula sa Public Safety Division ng ahensiya na maihatid sa mga apektadong residente ang malinis na inuming tubig.
Bitbit ng team ang 60 units ng water purifier system na may kapasidad na mag-filter ng 180 gallons ng tubig kada oras.
May dala ring ambulansiya at military truck ang grupo para makatulong sa paglilikas ng mga residente at makapagbigay ng first aid kung kinakailangan. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News