dzme1530.ph

PNP, nanawagan sa mga mamamahayag na makipag-ugnayan sa pulisya kung may banta sa kanilang buhay

Nanawagan si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga miyembro ng media na may banta sa kanilang buhay na kaagad makipag-ugnayan sa PNP para proteksyon ng mga ito.

Kasunod ng nangyaring pamamaril at pagpatay sa radio commentator na si Cresenciano “Cris” Aldovino Bunduquin sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon sa PNP Chief, inatasan na niya ang mga local commander na makipagtulungan sa mga miyembro ng media sakaling may isyu sila sa kanilang seguridad.

Tiniyak ni Gen. Acorda na handa ang PNP na tulungan ang sinumang na kokompromiso dahil sa pagganap sa kanilang tungkuling ipahayag ang katotohan sa mamamayan.

Gayunman, sa kabila ng panibagong insidente ng pagpaslang sa miyembro ng media, naniniwala pa rin si Acorda na ligtas sa pangkalatahan ang mga mamamahayag sa bansa. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author