dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Negros Oriental Gov. Guido Reyes

Nakiki-dalamhati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpanaw ni Negros Oriental Gov. Carlo Jorge Joan “Guido” Reyes.

Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay ang pangulo sa naiwang pamilya, mga kaibigan, at sa mamamayan ng Negros Oriental na pinaglingkuran ni Reyes.

Kasabay nito’y hiniling ni Marcos na patuloy na maghahatid ng inspirasyon ang iniwang legasiya ng gobernador, at mananatili ang kanyang alaala.

Matatandaang si Reyes ay pumanaw kahapon sa edad na 72 dahil sa karamdaman.

Ito ay halos tatlong buwan lamang matapos siyang umupong gobernador, bilang kapalit ng pinaslang na si former Negros Oriental Gov. Roel Degamo. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

Image

About The Author