dzme1530.ph

Meat products na naharang ng BOC sa dalawang pasahero sa NAIA, kinumpiska ng BAI

Muling nakakumpiska ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa NAIA ng processed meat products dala ng dalawang pasahero mula China.

Unang nakumpiska ng BAI ang 2.5kgs na pork processed meat at 2kgs processed chicken dala ng isang Chinese national sakay ng Xiamen Airlines flight MF-817 na lumapag sa NAIA terminal 1.

Kumpiskado din ang 1kg na pork processed feet dala ng isang pasaherong Chinese kasabay ng kaparehong flight.

Ayon sa BAI bigo ang dalawang pasahero na magpakita ng import permit sa dala nilang meat products matapos maharang ng Bureau of Customs (BOC) sa NAIA terminal 1. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author