![]()
“Extremely limited” ang kakayahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang trial sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) bunsod ng “cognitive impairment.”
Ito ang inihayag ng kanyang defense team sa global tribunal, ilang araw bago ang inaasahang pagsisimula ng proceedings sa Nov. 30.
Sinabi ng defense lawyers sa kanilang pre-trial filing na matapos ang iba’t ibang pagsusuri, natuklasan ng mga eksperto na mayroong significant cognitive issues ang dating pangulo.
Kabilang na rito ang attention deficits, word-finding difficulties, short-term memory problems, at visuospatial and executive dysfunction.
Iginiit ng depensa na ang cognitive limitations ng dating pangulo ay hadlang sa epektibong paghahanda ng kanyang kaso, na habang tumatagal ay lumalala.
