![]()
IKINATUWA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakasama ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa inaugural list ng World’s Best Airports ng Time Magazine.
Sinabi ni Pangulong Marcos na masaya siya na kabilang sa Time Magazine’s World’s Best Major Airports of 2027 ang rehabilitated and modernized NAIA na major gateway sa Metro Manila.
Idinagdag ng chief executive na malayo na nga ang narating ng NAIA simula nang bansagan ito bilang worst airport.
Pang-47th ang NAIA sa first edition ng listahan matapos makakuha ng score na 76.46.
