dzme1530.ph

POSIBLENG PAGBILI NG PILIPINAS NG SUPPLY NG PETROLEUM PRODUCTS SA US, UNDER NEGOTIATION PA

Loading

Under negotiation pa ang posibleng pagbili ng Pilipinas ng suplay ng produktong petrolyo mula sa Estados Unidos.

Ito ang nilinaw ng Department of Trade and Industry sa pagtalakay sa Senado ng panukalang budget ng ahensya.

Ginawa ng DTI ang paglilinaw sa pahayag ni Senador Imee Marcos na maraming nabigla at nabahala sa announcement ni US President Donald Trump na sa America na lang aangkat ang Pilipinas ng enerhiya at agricultural products.

Sa pamamagitan ni Senator Bam Aquino, sponsor ng budget, sinabi ni Trade Secretary Cristina Roque na may mga pag-uusap pa at hindi maaaring isapubliko ang pinag-uusapan.

Pero iginiit ni Aquino na siya na ang magsasabi na imposible at malabo na sa isang bansa lang bibili ang Pilipinas.

Ayon kay Marcos, naghain na siya ng resolusyon para busisiin ng Senado ang negosasyon sa Estados Unidos.

Sinuportahan naman ito ni Aquino dahil anuman aniyang mga kasunduan na magkakaroon ng tratado ay kailangang maratipikahan sa Senado.

About The Author