![]()
Target ng International Criminal Court na matapos ang presentasyon ng prosekusyon sa lima nilang testigo sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bago ang winter recess sa December 18.
Sinabi ni ICC spokesperson Oriane Maillet na ang una sa 100 witnesses na ihaharap ng prosekusyon ay ihaharap matapos ang opening statements sa unang araw ng trial.
Sinabi ni Maillet na ito ang unang ICC case mula sa Pilipinas at inaasahang magdudulot ng public interest nationally at internationally.
Sa opening day, hihingan ng plea si Duterte at magkakaroon din ng statements ang prosekusyon at victims’ representatives.
