dzme1530.ph

9.8 MILYONG PAMILYANG PILIPINO, ITINUTURING ANG KANILANG SARILI NA MAHIRAP

Loading

Nasa 9.8 million Filipino families o katumbas ng 37% ang ikinukunsidera ang sarili nila bilang mahirap.

Ito ay batay sa 3rd quarter survey ng OCTA Research.

Itinuturing itong statistically unchanged mula sa 39% o tinatayang 10.3 million families noong second quarter ng taon.

Nasa 49% naman ng respondent ang hindi masabi kung sila ay mahirap o hindi at 21% ang nagsabing hindi sila mahirap.

Lumitaw din sa tugon ng masa non-commissioned survey na 56% ng respondents sa Mindanao ang ikinukunsidera ang sarili nilang bilang mahirap.

Sinundan ito ng 49% sa Visayas, 26% sa Balance Luzon, habang 20% sa National Capital Region.

About The Author