![]()
Engaged na ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Inanunsyo ang kanilang engagement sa pamamagitan ng video na ipinost ni Rayver sa kanyang Instagram account kagabi.
Inamin ng TV host-actor na palakas nang palakas ang kanyang kaba habang papalapit ang petsa ng kanyang planong proposal sa kasintahan.
Ang engagement ay nasaksihan ng kanilang mga kaibigan at pamilya.
Emosyonal naman si Julie nang tanggapin niya ang proposal ni Rayver.
