dzme1530.ph

DOJ, BUBUO NG PANEL NA SUSURI SA REPORT NG TRUTH COMMISSION SA DRUG WAR KILLINGS

Loading

Bubuo ang Department of Justice (DOJ) ng fact-finding panel para rebyuhin ang report ng Truth Commission sa drug war killings sa ilalim ng Duterte administration.
 
Kasunod ito ng presentasyon ng komisyon sa kanilang preliminary findings.
 
Sa kanyang pagdalo sa National Conference ng Truth Commission, sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida na kailangang masusing pag-aralan ng Department of Justice ang mga ebidensyang nakalap ng komisyon.
 
Ito ay upang matiyak na anumang kaso na isasampa sa korte kalaunan ay mayroong sapat na lakas kapag dumaan sa legal scrutiny.

About The Author