dzme1530.ph

PAG-IISYU NG GUARANTEE LETTERS NG DSWD, PANSAMANTALANG ITITIGIL SIMULA SA NOV. 30

Loading

Pansamantalang ititigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-iisyu ng guarantee letters (GLs) sa ilalim ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program simula sa Nov. 30, 2026.
 
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, ito ay para mabigyan ng panahon ang kagawaran na makumpleto ang taunang proseso ng liquidation at mabayaran ang mga obligasyon sa service providers.
 
Ipinaliwanag ni Dumlao na kailangan itong gawin para matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo sa susunod na taon.
 
Nilinaw din ng DSWD official na ang saklaw lamang ng pansamantalang suspensyon ay guarantee letters at hindi maaapektuhan ang distribusyon ng outright cash assistance sa ilalim ng AICS Program.
 
Inaasahang magbabalik ang pag-iisyu ng guarantee letters sa first official working day ng January 2027.

About The Author