![]()
Kumpiyansa rin si Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III na matatapos ng Senado ang impeachment trial bago mag-Pasko, kasama na rin ang approval sa panukalang 2027 national budget.
Sinabi ni Sotto na ibubuhos ng Senado ang buong panahon sa panukalang national budget ngayong linggo upang matapos ang plenary debates hanggang Biyernes.
Kung kailangan, maaari anyang mag-extend pa ito ng ilang araw at pinaghandaan na ito ni Senator JV Ejercito na chairman ng Senate Finance Committee.
Sa December 1 ang resumption ng impeachment trial.
Mahirap anyang tantiyahin ang pagtatapos ng impeachment trial dahil magdedepende ito sa tagal o bilis ng presentasyon ng depensa o kampo ni Vice President Sara Duterte, pero nagkakaisa naman ang mga senador sa mithiin na tapusin ito bago mag-Pasko.
