![]()
HINIMOK ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang global communities na magtulungan para tiyakin ang kaligtasan ng mga bata sa online sa gitna ng pagsusulong ng digitally centered future.
Ginawa ito ng unang ginang sa pagtitipon para sa promosyon ng educational technology, responsableng paggamit ng artificial intelligence at digital skills sa pag-aaral.
Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa Filipino students para sa digital future.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang access sa teknolohiya sa edukasyon kasabay ng promosyon ng ligtas at responsableng paggamit ng digital tools sa kabataan.
Isinagawa ang pagtitipon kasabay ng 49th ASEAN Summit and Related Summits kung saan present din si Education Secretary Sonny Angara.
Nagsilbi namang speakers sina US Ambassador Lee Lipton at Dr. Bernadette Madrid ng Child Protection Network.
