![]()
Muling magro-roll back ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay sa pagtaya base sa Mean of Platts Singapore Trading at Foreign Exchange Averages sa nakalipas na apat na araw.
Posibleng mabawasan ng ₱4 hanggang ₱5 ang presyo ng bawat litro ng diesel.
Maaari namang abutin ng ₱3 hanggang ₱4 ang bawas sa kada litro ng gasolina.
Ayon sa DOE, malaking tulong sa pagbaba ng presyo ng gasolina ang mga diplomatic headlines sa gitna ng tensyon sa Middle East.
