dzme1530.ph

VICE ADMIRAL ALAN JAVIER, ITINALAGANG BAGONG PINUNO NG PHILIPPINE NAVY

Loading

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Vice Admiral Alan Javier bilang bagong Flag Officer-in-Command ng Philippine Navy.
 
Tiwala naman ang Department of National Defense na malaki ang tulong ng operational experience ni Javier para sa maayos na pamunuan ng Philippine Navy.
 
Bago ang kanyang appointment, si Javier ay Commander ng Western Command na namamahala sa military operations ng bansa sa Western Maritime Areas.
 
Pinamunuan din niya ang Western Naval Command at nagsilbi ring Chief ng Naval Staff.

About The Author