![]()
Umaabot sa 1,462 vendors sa Baclaran, Parañaque City ang nakatanggap ng tig-₱10,000 na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development.
Ito ay para sa epekto ng natigil nilang negosyo dahil sa mga security arrangement para sa 2026 ASEAN Summit.
Nagbigay din ang DSWD ng family food packs para sa kanilang mga pamilya.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakatakda ring bigyan ng ayuda ang mga 700 hanggang 800 vendors sa bahagi ng Baclaran sa Pasay City.
Nauna na ring nakatanggap ng tulong ang 90 paresan at kainan sa Pasay City.
