dzme1530.ph

ASEAN LEADERS, MAGSISIMULA NANG DUMATING SA BANSA BUKAS

Loading

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na magsisimulang dumating sa bansa ang mga lider ng ASEAN sa Sabado, November 14.
 
Sinabi ni DFA Assistant Secretary Dominic Xavier ‘Dax’ Imperial, spokesperson for ASEAN Affairs, ang mga international delegates naman ay nagsimula nang dumating para sa mga meetings ng senior officials ngayong araw na ito.
 
Ang Foreign Ministers’ Meeting ay isasagawa sa Sabado, habang ang mga miting ng ASEAN leaders ay gagawin sa November 15 hanggang 17.
 
Inaasahan ding dadalo sa event ang ASEAN Dialogue Partner Countries.
 
Tiniyak naman ng ASEAN National Organizing Council ang pagbabantay sa security concerns sa kaganapan.

About The Author