dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, TINIYAK NA MAS MATIMBANG ANG MGA BENEPISYO KUMPARA SA ABALANG DULOT NG ASEAN SUMMIT

Loading

Humingi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pasensya mula sa publiko sa gitna ng mga abala dulot ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Sa kanyang blog, sinabi ng Pangulo na bagama’t may kaunting maaabala sa mga susunod na araw ay pansamantala lamang ito.

Tiniyak ni Pangulong Marcos na mas matimbang pa rin ang mga benepisyong matatamasa ng bansa mula sa mga polisiyang mapagkakasunduan at sa mga trabahong malilikha.

Binigyang-diin ng Chief Executive na ang summit ay nakapag-generate ng mga trabaho at income sa mga Pilipino, partikular sa micro, small, and medium enterprises, mga nasa fashion, food, transport, at hospitality industries, at sa mga artists at craftsmen.

Idinagdag ni Marcos na mabibigyan din ng oportunidad ang bansa na palakasin ang industriya ng turismo.

 

About The Author