![]()
Naglabas ng public apology si Mikha Lim ng P-pop girl group na BINI kasunod ng viral video kung saan nagmamaneho siya habang gumagamit ng cellphone.
Aminado si Mikha sa kanyang pagkakamali at handa aniya siya na harapin ang consequences ng kanyang ginawa.
Sa statement, sinabi ng BINI member na, “I want to sincerely apologize for my actions. There are absolutely no excuses for using my phone while behind the wheel. It was careless and irresponsible.”
Inihayag ng singer na nag-report na siya sa Land Transportation Office (LTO) at sumasailalim sa proseso ng ahensya.
Ang pahayag ni Mikha ay kasunod ng kanyang pagpunta sa opisina ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao matapos maglabas ang ahensya ng show cause order at suspendihin ang kanyang driver’s license dahil sa insidente.
