![]()
Nasa Pilipinas ang Hollywood star na si Angelina Jolie para sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit.
Dumating ang Oscar-winning actress at global advocate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kahapon.
Ayon sa website ng Mastercard Center for Inclusive Growth, isa si Angelina sa speakers sa session na may title na “From Memory to Possibility: Cambodia, Courage and the Power of Staying,” kasama ang filmmaker na si Rithy Panh.
Binigyang-diin ng Center for Inclusive Growth ang ilang dekada ng commitment ng aktres sa Cambodian communities.
Bilang aktres, nakilala si Angelina sa kanyang mga pelikula, gaya ng “Lara Croft: Tomb Raider,” “Maleficent,” at “Mr. and Mrs. Smith.”
