dzme1530.ph

150 MILLION PESOS NA PAPREMYO, IPINAMAHAGI NG ARENAPLUS SA MGA NANALO SA 2026 NBA PLAYOFFS MVP

Loading

Kinilala ng ArenaPlus ang mga nanalo sa kanilang 2026 NBA Playoffs MVP: Battle for the Most Valuable Predictor campaign noong Nov. 6 sa Parañaque City.
 
Sa pamamagitan ito ng pagbibigay ng mga premyo mula sa ₱100-million MVP bracket at ₱50-million shared prize pool.
 
Sa free-to-play contest, hinamon ang Filipino basketball fans na hulaan ang mga mangyayari sa 2026 NBA Playoffs simula sa opening round hanggang sa NBA Finals.
 
Isa ang nanalo ng ₱100-million grand prize, habang labing-isang iba pa ang nakapag-uwi ng tig-₱3.125 million mula sa ₱50-million shared prize pool.
 
Samantala, isa sa mga nanalo mula sa ₱50-million shared prize pool ay dati nang na-feature sa “All On sa Arena,” ang original show ng ArenaPlus sa Facebook at YouTube, kasunod ng 94-90 victory ng New York Knicks kontra San Antonio Spurs sa Game 5 ng 2026 NBA Finals noong June 14.
 
Pinagkalooban siya ng ArenaPlus, ang #1 PAGCOR-licensed online sportsbook sa Pilipinas, ng additional ₱1.875 million bilang token of appreciation dahil sa pagiging nag-iisang projected winner na dumalo sa All In sa Arena live episode at nakumpleto ang requirements ng events, para sa kanyang total winnings na ₱5 million.

About The Author