![]()
Kumita na ang pelikulang “2 Valid IDs” na pinagbidahan nina Marietta “Pokwang” Subong, Joey Marquez, Meryll Soriano at Zaijian Jaranilla, ng ₱100 million sa takilya.
Ayon sa producers, nakatulong ang word of mouth at lumalawak na audience campaign kaya lumakas ang pelikula, na gumawa ng ingay sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival kamakailan.
Sa ngayon ay nasa ika-apat na linggo na sa mga sinehan ang naturang independent film.
Sa Cinemalaya 2026, nakuha ng “2 Valid IDs” ang Best Actress Award para kay Pokwang, Special Jury Prize, at Audience Choice Award.
