![]()
Pinuri ni House prosecution Terry Ridon ng Bicol Saro Partylist ang pag-atras na ginawa ni Dean Ralph Sarmiento bilang unang testigo ni VP Sara Duterte.
Ayon kay Ridon, tama ang pag-atras ni Sarmiento dahil ang gustong ilatag na ebidensya ng depensa hinggil sa legal at constitutional principles ay wala sa lugar at walang batayan.
Ang paksa sa pagbabalik ng trial sa Lunes, Nov. 9, ay tungkol umano sa mga paratang ng unexplained wealth ng Pangalawang Pangulo, at wala nang iba.
Saad pa ni Ridon, ang kailangan ipaliwanag ng Bise at buong defense team ay ang ₱800-M hanggang ₱1.5-B na unexplained wealth.
Ang mahigit ₱100-M na nasa financial accounts subalit hindi nakatala sa SALN ng Bise Presidente, credit card transactions na mahigit ₱200,000 para lang kumain sa labas at shopping ng mga sapatos at marami pang iba.