dzme1530.ph

MGA EBIDENSYA NG PROSEKUSYON SA UNEXPLAINED WEALTH, MAHIHIRAPANG SALUNGATIN NG DEPENSA, KAHIT PA MISMONG SI VP SARA DUTERTE

Loading

Minaliit ni House lead prosecutor Gerville Luistro ang paggamit muli ng defense team ng salitang “fishing expedition” sa mga ebidensya ng prosekusyon.
 
Para kay Luistro, kahit na si VP Sara Duterte ay mahihirapang salungatin ang mga inilatag nilang ebidensya sa usapin ng unexplained wealth.
 
Giit ni Luistro, ang lahat ng ebidensya na ginamit sa unexplained wealth ay sariling dokumento ng respondent, ng asawa nito, at mga pag-aaring kumpanya.
 
Sa 26-page comment ng depensa na isinumite sa korte noong Oct. 30, kinontra ng mga abogado ni VP Duterte ang relevance, admissibility, at authentication ng lahat ng exhibits ng prosekusyon.
 
Sinubok umano nilang i-stipulate subalit tinanggihan ito lahat ng depensa, at ngayong nagsumite na sila ng formal offer of evidence, tinututulan naman nila ito.
 
Aniya, galing lahat sa mga tanggapan ng pamahalaan ang ebidensya gaya ng financial statement mula sa SEC, income tax returns galing sa BIR, habang ang AMLC naman ang nag-identify ng mga bank records.
 
Maging ang mga baril na nakapangalan sa mag-asawang Sara at Atty. Mans Carpio at land registrations ay galing din sa PNP-Firearms and Explosives Office at Land Registration Authority.

About The Author