![]()
Kinontra ng prosecutors sa International Criminal Court ang pahayag ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na self-defense ang naging pagpatay ng ilang pulis sa inilunsad na war on drugs.
Ginamit na patunay ng prosecutors ang kaso ng pagpatay sa teenager na si Kian Lloyd Delos Santos at dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parajinog Sr. upang pasinungalingan ang pahayag ng dipensa.
Kasabay nito, hiniling ng prosecutors sa ICC na tanggapin ang testimonya ng mga testigong tinukoy bilang P-0025 at P-1382 bilang ebidensya sa kaso.
Ang mga testimonya anila ng dalawang testigo ay magdedetalye ng naging pagpatay ng Duterte administration at ang inconsistencies sa mga pahayag ng Philippine National Police.
Iginiit ng prosekusyon na makatutulong ang mga testimonya upang matukoy ang government policy sa pagpatay sa mga suspected criminals.
