dzme1530.ph

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT, NAKARANAS NG DATA LEAK

Loading

Kinumpirma ng isang cybersecurity advocacy group na nagkaroon ng data leak ang Office of the Vice President na nakaapekto sa 10 gigabytes ng mga dokumento nito.

Ayon sa Deep Web Konek, ang data leak ay lumabas sa underground cybercrime forum.

Lumitaw na nakuha ng hacker na tinukoy bilang DeathNoteHackers ang mga dokumentong may kinalaman sa scheduling platform ng OVP.

Ang mga nakompromisong materyales ay umaabot umano sa 12,979 PDF files na patuloy pang bineberipika.

Ang paglabas ng data leak ay may kaakibat na mga statements na binabatikos ang gobyerno sa spending priorities, budget allocation at umano’y irregularities sa public infrastructure projects.

About The Author