dzme1530.ph

ISRAELI PRESIDENT, SINIMULAN NA ANG KONSULTASYON SA MGA PARTIDO PARA SA PAGBUO NG BAGONG GOBYERNO

Loading

Sinimulan na ni Israeli President Isaac Herzog ang konsultasyon sa political parties kung kanino iaatas ang pagbuo ng bagong coalition government.

Ito’y matapos matanggap ni Herzog ang official results ng general election noong nakaraang linggo na aniya ay walang malinaw na nanalo.

Sinabi ni Israeli President sa mga party leaders na hindi lahat ng commitment at pangako ay maaaring tuparin, kung nais nila na maiwasan ang panibagong eleksyon.

Wala alinman sa bloc ni Prime Minister Benjamin Netanyahu o sa kanyang katunggali na si Gadi Eisenkot ang nakakuha ng mayorya sa parlamento.

About The Author