![]()
Hindi bababa sa 250 pet owners ang naghain ng reklamo laban sa Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium sa Bacoor City Police Station kaugnay sa umano’y mga iregularidad sa paghawak nila sa mga pumanaw na alagang hayop.
Sa report ni Bacoor City Police Station Chief Police Lt. Col. Alexie Desamito, umabot na sa 250 ang dumulog sa kanila at nagsampa ng reklamo laban sa pet crematorium, ayon sa social media post ni Bacoor Mayor Strike Revilla.
Sa unang bahagi ng imbestigasyon, sinabi ni Revilla na itinurn-over ng mga complainant sa mga awtoridad ang dalawampung containers ng abo ng kanilang mga alaga.
Ang mga abo ay isinasailalim ngayon sa forensic examination ng PNP Forensic Group.
