dzme1530.ph

P41 NA UMENTO SA ARAWANG SAHOD SA SOCCSKSARGEN, BINATIKOS NG TUCP

Loading

Tinuligsa ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang ₱41 daily wage increase na iniutos sa Region XII o SOCCSKSARGEN.

Dismayado ang TUCP dahil forty-one pesos na nga lang ay hinati pa ito sa dalawang bagsak, ₱16 simula ngayong November 19, at ₱25 naman pagsapit ng January 1, 2027.

Para sa TUCP, hindi ito makatarungan dahil Region XII ang lowest prevailing minimum wage sa bansa.

Ayon sa pinakamalaking labor organization, ang ₱16 per day na first tranche ay katumbas lamang ng ₱2 per hour sa walong oras na workday.

Himutok pa ng grupo, hindi na makatarungan sa mga obrero ang ginagawa ng Regional Wage Board dahil hindi na nakakatugon ang umento sa cost of living.

About The Author