![]()
Target ni Filipina tennis ace Alex Eala na makuha ang spot sa semifinals ng Pan Pacific Open sa Tokyo.
Kasalukuyang sumasabak si Eala sa quarterfinals ng WTA 500 tournament laban kay Diana Shnaider ng Russia.
Ang Eala-Shnaider clash ay magsisilbing rematch para sa dalawang players na unang nagharap noong nakaraang linggo sa Ningbo Open sa China.
Sa naturang match, nanalo ang Russian tennis player laban sa 21-year-old Pinay, 7-5, 6-4.
Bago ang quarterfinals sa Pan Pacific, pinadapa muna ni Eala si Talia Gibson ng Australia, 4-6, 6-2, 6-0, sa round of 16 para ma-secure ang kanyang first quarterfinal appearance sa Asian swing ngayong taon.
