![]()
HINIMOK ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan kasama ang mga law enforcers na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga biyahero bago ang tradisyonal na paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day ngayong weekend.
Dahil inaasahang magiging congested o masikip ang mga expressway, pangunahing kalsada, terminal ng bus, paliparan, at pantalan, sinabi ni Gatchalian na kailangang palakasin ng mga LGU at mga awtoridad ang mga protocol sa seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga bumibiyahe.
Sinabi ni Gatchalian na magiging mas makahulugan ang paggunita sa mga mahal sa buhay na yumao kung maayos at ligtas ang lahat sa biyahe.
Binigyang-diin din ng Senate President ang kahalagahan ng disiplina, pasensya, at pagbibigayan sa kalsada ng mga motorista.
Iginiit ng Senate leader na marami ang magbibiyahe sa mga panahong ito kaya’t hindi dapat pairalin ang init ng ulo at maging magalang sa mga kapwa motorista.
