dzme1530.ph

PAGDATING NG MGA TAO SA MANILA NORTH CEMETERY, MATUMAL PA

Loading

Matumal pa ang pagdating ng mga taong dadalaw sa mga yumaong mahal sa buhay sa Manila North Cemetery ngayong araw ng Biyernes.
 
Ayon kay Manila North Cemetery Director Daniel Tan, posibleng pangunahing dahilan nito ay ang pagkakaroon pa rin ng pasok sa mga paaralan at trabaho.
 
Naniniwala si Tan na posibleng bumuhos ang tao sa sementeryo bukas at sa Linggo.
 
Bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng tao, muling ipinaalala ni Tan ang safety guidelines at mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng sementeryo.
 
Hinikayat din niya ang publiko na ugaliin ang proper waste disposal sa pagbisita sa sementeryo.

About The Author