![]()
Umakyat na sa dalawang libong tauhan na ang idineploy ng Philippine Red Cross sa buong bansa para magbigay ng first aid assistance ngayong Undas.
Kabilang sa mga idineploy ang 248 staff members at 1,600 volunteers para tumulong sa mga biyahero at maging sa mga bibisita sa mga sementeryo.
Pinaalalahanan naman ng PRC ang publiko na i-prayoridad ang road safety at tiyaking ligtas ang kanilang tahanan bago umalis para sa Undas break.
Hinikayat din nila ang publiko na kasabay ng pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay, dapat matiyak ding ligtas ang kanilang pamilya.
