![]()
PINAIGTING na ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang preparasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pauwi sa kanilang mga lalawigan ngayong Undas.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, tuloy-tuloy ang kanilang inspeksyon sa mga bus terminal upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Sinabi ni Dizon na mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang ligtas at kumbinyenteng biyahe ng mga Pinoy lalo na ngayong long weekend.
Nagsasagawa anya sila ng driver assessments at roadworthiness inspections ng mga public utility vehicles.
Samantala, sinabi ni Philippine Ports Authority Spokesperson Eunice Samonte na manageable pa hanggang kaninang umaga ang mga pasahero sa mga pantalan.
Sinabi ni Samonte na wala pang mahabang pila ng mga pasahero at wala pang naitatalang fully booked na barko.
Pinayuhan ni Samonte ang mga biyahero na mag-book na ng kanilang ticket via online upang maiwasan ang mahabang pila sa mga pantalan.
