dzme1530.ph

MARIKINA CITY CONG. MARCY TEODORO, MANANATILI SA PWESTO

Loading

Mananatili sa puwesto si Marikina City 1st District Rep. Marcelino Teodoro.
 
Ito ay makaraang ibasura ng Supreme Court en banc ang petisyon ni dating Senador Koko Pimentel III na kumukuwestyon sa naunang ruling ng COMELEC.
 
Sa petisyon, kinuwestyon ni Pimentel ang ruling ng COMELEC en banc na baligtarin ang naunang desisyon na kanselahin ang Certificate of Candidacy ni Teodoro.
 
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon dahil sa kawalan ng hurisdiksyon sa usapin.
 
Sinabi ng mga mahistrado na ang petisyon ay saklaw na ng hurisdiksyon ng House of Representatives Electoral Tribunal dahil nakapanumpa na si Teodoro at kasalukuyan nang nanunungkulan bilang kongresista.

About The Author